"so you could give me wings to fly,
catch me if i fall
or pull the stars down from the sky,
so i could wish on them all
how could i ask for more,
your love is the greatest gift of all..."
narinig ko lang yung nasa tapat ng room ko na kinakanta tong mga lines na to. mushy. mushy pero iba ang dating. pwedeng gamiting theme song ng isang makabagong fairy tale.
sinu-sino ba ang nasa fairy tale mo?
kung ikaw ay babae:
ikaw--malamang ikaw ang bidang babae na naghihintay sa kanyang makisig na mandirigma na nakasakay sa puting kabayo.
si prince charming--bagamat walang butas ang puwet upang magkaroon ng imperfection sa kanyang kabuuang perpekto, siya ang hinihintay mo.
ang bruha/wicked stepmother/sister/halimaw/o kung sinong impakta--as the typical fairy tale shows, siya/sila yung mga pilit na sumisira sa diskarte mo.
amang hari at inang reyna/mga simpleng magulang--sila ang mga kinalakihan mong maaaring sumuporta sa endeavor mong prinsipe o humadlang sa inyong pagmamahalan kung ang napili mo ay hindi dugong maharlika [kung ikaw ay isang prinsesa].
ang iyong hinahangad na katapusan: "ikaw at si prince charming, nakasakay sa kabayo pagkatapos ng kasal--and they lived happily ever after..."
kung ikaw ay lalake:
ikaw--ang prinsipeng naghihintay sa babaeng karapatdapat sayo. wala kang pakialam kung prinsesa siya o hindi basta't kayo ay nagmamahalan. lahat ng kapahamakan ay susuungin, maipamalas lamang sa giliw ang matamis na pagsinta.
si snow white/cinderella/sleeping beauty/ariel/rapunzel--ang babaeng pinakamimithi mo.
ang mga villains at kung sinopang robbers o karibal--sila ang mga goons na kakaharapin mo at kailangang mapataob para maimpress ang prinsesa mo.
amang hari at inang reyna--ang mga magulang mong pwedeng supportive o maging kontrabida kapag di nila gusto ang napili mong babae.
ang iyong hinahangad na katapusan: "ikaw at ang prinsesa mo--nasa isang kahariang pinamumunuan mo.
dahil babae ako, magfofocus ako sa fairy tale ng mga babae. gaano na ba na-stereotype ang buhay ng babae? [disclaimer: di ako true-blue feminist.]
ang hirap hanapin ng sense of contentment and completeness. madalas hinahanap natin yung tao na magbibigay satin non... ang hirap hanapin. ang di natin alam, salamin lang ang kailangan natin para makita yun. tama, salamin lang. salamin ang kailangan mo para makita ang sarili mo.
bakit, ano/sino ba ang hinahanap mo?
si price charming?
bakit?
para mabuo ang fairy tale mo?
gising!
alasdose na ng hatinggabi.
wala na ang magic ni fairy godmother... at higit sa lahat, ibang panahon na ngayon.
maghihintay ka na lang ba? maghahanap? ang mas mabuti mong gawin, tingnan mo ang salamin. ikaw ang makakasagip sa sarili mong astang damsel in distress. ikaw ang dapat kumalaban sa mga bruhang nakikipagbuno sayo.
"so you could give me wings to fly,
catch me if i fall
or pull the stars down from the sky,
so i could wish on them all
how could i ask for more,
your love is the greatest gift of all..."
oo, maganda nga kung may pinag-aalayan ka ng kantang ito... romantic. sweet. tataba ang puso ng pinag-aalayan mo... pero bakit hindi mo gawin sa sarili mo? patubuin mo ang iyong pakpak upang ikaw ay makalipad at hindi na aasa sa kabayo ni prince charming para dalhin ka kung saan. saluhin mo ang sarili mo sa bawat pagbaksak para hindi ka mabasag at madurog. abutin mo ang mga bituin, pagtyagaan mong sungkitin--kaya mo naman e.
kapag nagawa mo na, mararamdaman mo...
ano pa nga ba ang hihilingin mo?
ang pagmamahal sa sarili ang pinakadakilang regalo mo sa iyong sarili't pagkatao.
---at ikaw na marahil ang pinakamaligayang babae sa galaxy.
[bonus na lang si prince charming kung magpumilit man siyang sumali sa kwento mo].
and you'll live happily ever after.
--the end--