random thoughts...
mahirap magpakatotoo sa mundong magaling maghusga. gawin mo gusto mo, sasabihin nila pakawala ka. gawin mo gusto nila, sasabihin nila sunudsunuran ka at masyadong palaasa. kapag pumalpak ka, ikaw ang tanga. kapag nagtagumpay ka, dapat ka daw magpasalamat sa suporta nila.
mahirap intindihin ang mundo kapag di mo naiintindihan ang sarili mo. bakit ka nga ba ganyan? bakit nga ba ako ganito? nakakalito.
di ko lam kung simple ba ang buhay at ako lang ang nagpapagulo o kung kumplikado na "by nature" ang buhay at pinapagulo ko pa lalo. hindi ko alam kung ako ang nambibiktima sa sarili ko o ako ba ang biktima ng ibang taong parte ng mapanghusga at magulong mundo.
marami pa akong anggulo na hindi nakikita. marami ka pa ring aspetong hindi nakikita sa pagkatao ko. kilala mo ba ako? kung oo ag sagot mo, ang galing mo. ipakilala mo ako sa sarili ko.
gahibla ng buhok mo sa anit--yan lang ang nakikita mo sakin. marami pa. marami ka pang hindi alam. isa akong libro na maraming punit na pahina.
hindi ganoon ka-organisa ang thoughts ko sa panahong ito kaya kung ano ang mas masidhing damdamin, yun ang isinasatitik ng mga daliri kong masakit dahil masyadong upod ang pagkakagupit ng kuko ko gamit ang nailcutter ni joycelalu.
napakanegatibo na ng tingin ko sa mundo. wala akong pakialam kung kokontrahin mo ako. nature yan ng mga tao sa mundong ito kaya ganito ang sphere na ginagalawan ko. nakakapagod. nakakarindi. nakakasawa. kung pwede lang ngang lumipat sa ibang mundo [kung meron nga], nag-empake na ako ng gamit kanina pa...
ginusto kong baguhin ang ginagalawan ko. nagsimula ako sa sarili ko pero di ko alam kung san magsisimula at ano ang unang gagawin. problematik. napakaraming Hudas dito na talagang dadaan sa buhay mo para guluhin kapag inaayos mo na.
nakakainis.
si asul, dumating sa buhay ko at pinasaya ako. tinuruan ako ni asul na may iba pang kulay maliban sa itim. pero sa huli, puro pula ang nakikita ko. dugo. magnanakaw pala si asul--ninakaw niya ang sentro ng pagkakakilanlan namin.
si puti, dumating din sa buhay ko nang di sadya. hindi siya sakin una pa lang. at hanggang ngayon, hindi pa rin siya sakin.
si dilaw - dumating siya nung nawala si asul. pagnanakaw rin ang motibo pero huli na siya... naunahan na siya ni asul. kawawa naman.
si berde, pinakapaborito ko siya sa lahat ng sumunod kay asul. palagi ko na siyang nakikita. sinubukan kong magnakaw pero di ko pala kaya panindigan. binuksan ko ang kanyang lalagyan at hinayaan ko lang na nakatiwangwang.
si maroon ay isa sa mga pangkaraniwang taong nakilala ko. wala akong gaanong masabi sa kanya maliban sa napakahina niya.
si kahel naman ay isang bubot na hindi na namukadkad. maganda naman yung ganoon na lang.
makulay hindi ba? pero kapag ang mga kulay na yan, inihalo mo sa itim, ano ba ang kalalabasan? hindi ba't isang maruming kulay? kulay lusak. putik. dumi. itim. pusali.
mahirap magpakatotoo sa mundong mapanghusga. kahit gaano kakulay ang isinama mo sa itim, ang kalalabasan ay madilim pa rin.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home