light in darkness

this blog is not for the faint-hearted. this blog contains fearless doodles from a mad girl. this blog is the emancipation of my emotions. this is my blog.

Sunday, March 26, 2006

kalungkutan...

malungkot. kalungkutan. yan ang madalas bumalot sa iyo sa tuwing ikaw ay nag-iisa. malalim na kalungkutan na di mo maarok kung hanggang saan. kalungkutan na sumusugat sayo at nag-iiwan ng marka--isang peklat na paulit-ulit na magpapaalala sayo kung gaano kapait ang nakaraan.

hindi ko ginustong mawala ang taong iyon sa buhay ko. ayaw kong mawala siya sa akin lalo na nang ganun-ganon lang at biglaan. pero ganoon talaga. nagsawa siya. itinulak ako palayo. binuksan ang pinto at pabagsak na sumara ang pinto. namanhid ang buo kong katawan. gusto kong tumawa. gusto kong tumawa upang itago ang sakit. sobra! unti-unting sumungaw ang luha sa aking mga mata. hindi ako iiyak. hindi... kaya tumingala ako sa kawalan. wala akong maisip. paulit-ulit kong nakita kung paano siyang tumalikod at lumabas sa pinto. nakabibingi ang lagabog ng pinto. galit ako. bakit ganoon?

kalungkutan. naririto ka na naman. pagmamasdan mo na naman ba ang pagpatak at pag-agos ng luha sa aking pisngi? tutuyuin mo na ba ang luhang karamay ko?

kalungkutan. binabalot mo na naman ako ngayon sa aking pag-iisa.di ko na maarok ang iyong kalaliman. di ko maaninag ang yong kadahilanan. unti-unti mo na naman akong sinusugatan... upang mag-iwan ng kaypangit na pilat. Ilan na nga ba niyon ang itinatago ko? kayrami na! at sila ang paulit-ulit na magpapaalala sakin na sadyang kaypait ng nakaraan. (060605)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home