light in darkness

this blog is not for the faint-hearted. this blog contains fearless doodles from a mad girl. this blog is the emancipation of my emotions. this is my blog.

Tuesday, August 22, 2006

sakim

huwag kang lumapit sa'kin,
pagkat ika'y malilinlang rin
ng balatkayong angkin
ng yaring kaluluwang sakim.

lumayo ka't umiwas
sa karimlan ika'y tumakas
hangga't panaho'y di pa lumilipas
bago pa ikaw magumon sa pagwawakas.

huwag mo akong salingin
kung ayaw mong ika'y maangkin
angkini't gawing akin
ng kaluluwang ikaw ang nasang lihim.

kapag kaluluwa mo'y nahigit,
kalungkuta'y panandaliang iwawaglit
pagkat sa kaluluwang puno ng pait,

ikaw ang nais makamit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home