light in darkness

this blog is not for the faint-hearted. this blog contains fearless doodles from a mad girl. this blog is the emancipation of my emotions. this is my blog.

Sunday, March 26, 2006

saranggola

galak, hinaplos mo ako sa araw na ito.
hindi ko inaasahang dadampian mo ng ngiti ang mga labi ko.
hindi ko inaasahang isang saranggola ang magpapangiti sa kanya,
isang saranggola ang magpapangiti sa akin...
at sabay kaming tumawa sa tuwa dahil sa paglayag ng aming munting guryon sa hangin.
Blue_kit_flying_1 mistulan kaming mga bata.
hinahapit ang sinulid, tumatakbo-takbo sa kalawakan ng ating tinatambayan,
iniiwas ang asul na saranggola sa mga sangang sumasayaw sa himig ng hanging tahimik.
hinahapit ang sinulid, hinahabaan pa ang sinulid,
upang magpatianod pa ang aming saranggola sa hangin.

dinala na ng hangin ang aming saranggola sa taas na hindi na maaninag ng aking malabong mga mata.
lumatag na ang kadiliman sa langit, unti-unting sumilip ang mga bituin...
hindi na rin niya makita ang aming asul na saranggola na kanina lamang ay maharot na nakipaglaro sa hangin...

Blue_kite_1nakangiti siya.
napangiti na rin ako
.

iyon lamang ang gusto kong makita.
ang ngiti sa kanyang mukha.
alam kong may natatago pang kalungkutan.

Childs_dreamsana sa susunod naming pagpapalipad ng saranggola, isama niyang muli ang kanyang sarili.
--upang lumipad siya, maging malaya...
malaya at malayo mula sa kalupitan ng mundo. (032406)

effects of 2 san mig light

happiness is a choice.
napainom na naman ako.. first time ko to ngayong taon. ayaw ko na kasi sanang uminom pero it really helps kapag kailangan mong irelease yung aggression at ka-agit-an mo sa katawan.

happiness is a choice.
kung ikaw ang nasa katayuan ko, pipiliin mo rin ba ang happiness? pipiliin mo rin ba si happiness kahit na iba ang happiness niya? ayaw kong humingi ng kahit anong kapalit... gusto ko lang ipakita kay happiness na i care. I CARE. though need ng tao na mareciprocate ang feelings nya, i'll deprive myself of that need for now... for now dahil di ko alam ang mangyayari bukas... i'll live one day at a time. ayaw ko magmadali... agit ako. (mga friends, sorry dahil ginawa ko tong entry na to.. alam kong ayaw nyong malungkot ako at depressed dahil sa kaligayahan...)

happiness is a choice.
nakadalawang bote ako kahit ang usapan ay isang bote lang. kaya ko naman. basta pinangako ko sa sarili ko na i won't break down kapag nakainom na. so far hindi pa naman... takot kasi ako. takot ako sa lasing sa totoo lang. takot din akong mawalan ng control sa sarili... so that was my choice. control the intake and control myself.

happiness is a choice.
bakit daw may taong malungkot kahit choice nila ang maging masaya... sabi ko, minsan kailangan nating malungkot para maramdaman ang kasiyahan. nahahighlight ang happiness when you're from loneliness/sadness/bitterness... hindi dapat katakutan ang kalungkutan. siya ang kaibigan kong hindi ako iniiwan.

happiness is a choice.
happiness is a choice. happiness is a birth right (sabi ni marty macariola). kahit hindi ako ang choice ni happiness, i'll be happy.

*next time ko na dagdagan.. antok na ako.

(031406)

untitled

babala: huwag basahin.. ito ay pawang kakornihan at resulta ng ka-agit-an ko.

7:30 nu.
nagising ako sa tunog ng cellphone ko...
"gud am! kamusta na ba ang pinakamagandang babaeng nakilala ko? breakfast ka na... wag ka papagutom. alagaan mo sarili mo. i love you mahal!"
napangiti ako sa sobrang lambing mo. haaayy swerte ko talaga sayo... bumangon ako, nakatitig ako sa picture natin sa side table ko. bagay tayo. ilang tao na nga ba ang nagsabi noon? o baka naman ginawa mo lang silang accomplice... hmm ano pa man, napapangiti pa rin ako. naligo ako. nag-ayos ng sarili--sinuot ko yung pink dress na sabi mong bagay sa akin. nagpaganda talaga ako at pinaghandaan ko talaga ang araw na to.
8:30 nu.
dumating ka. ang gwapo mo talaga. hanggang ngayon, hindi pa rin lumalamlam ang kinang sa mata mo. nakakatuwa. para silang mga stars na tinitingala ko sa langit tuwing gabi. nakangiti ka sa akin. haay para sa akin lang yang ngiting yan di ba? hinawakan mo ang kamay ko... at muli, inihanda ko na agn aking sarili sa paglipad... tuwing kasama kita'y ligtas ako.. corny no? pero la akong magagawa, yan ang epekto mo sakin.
9:00 nu.
dumating tayo sa simbahan. di ko mapigilan ang pagngiti ko. huling rehearsal na natin ito. bukas, sa muling pagbalik natin dito sa simbahan, wala nang makakapaghiwalay satin.
11:00 nu.
tapos na ang rehearsal. hindi natin namalayan ang oras. basta alam kong hindi nawala sa mga labi natin ang ngiti at pagkasabik para sa kinabukasan. nag-aya ka nang mananghalian. kasama ang mama mo, kumain tayo. masarap talaga siya magluto. sana ako rin, kasing galing niya... wag kang mag-aalala, may alam akong lutuin... :D
1:00 nh.
bumalik tayo sa bahay. iniupo mo ako sa duyan at tumabi ka sa akin. hawak mo ang kamay ko, nakatingin ka sa akin... para ulit akong teenager na kinikilig. di ko maitago ang saya dahil ngayon kasama kita. isinandal mo ako sa iyong dibdib at niyakap. rinig ko ang tibok ng puso mo... naalala ko tuloy noong una mo akong niyakap--nakakalunod--rinig ko ang tibok ng puso mo. nakatulog ako sa iyong tabi habang yakap mo ako...
3:00 nh.
ginising mo ako. gusto mong magmeryenda sabi mo. busog pa ako pero sinamahan na rin kita. ayaw kong mawala ka sa paningin ko. kaligayahan ko na ang pagmasdan ka at ang makasama ka. ikinuha kita ng krema de fruta sa ref. ginawa ko iyon para sa iyo. nang maubos mo iyon, isang halik sa pisngi ang ibinigay mo. napangiti lang ako.
4:00 nh.
nagpaalam kang uuwi muna sa inyo. tatawagan mo rin ang mga kaibigan natin para bukas. inihatid kita nang tanaw.
6:00 ng.
tumawag ka. ang sarap talaga pakinggan ng boses mo. tulad ng dati, wala naman talaga tayong napag-usapan na ganoon kahalaga pero umabot ng halos dalawang oras ang tawag na iyon. wala akong gaanong maalala sa ating napag-usapan ngunit ang gaan at sarap ng pakiramdam na nakausap kita ang natira sa aking alaala.
8:00 ng.
tumawag kang muli para siguraduhing naghapunan na ako. napakamaalaga mong talaga.. kaya naman napakadaling nahulog ang loob ko sayo noong college pa tayo.
9:00 ng.
may kumatok sa pinto ng bahay namin. pagbukas ko, ikaw ang nakita ko. puno ka talaga ng gimik. niyaya mo akong lumabas. nakakatawa... para namang hindi tayo magkikita bukas sa simbahan. dinala mo ako sa isang park. doon tayo tumatambay noong college poa tayo--kwentuhan, tawanan, iyakan... ang daming alaala sa park na iyon. may narinig akong tumugtog... kinuha mo ang kamay ko, isinayaw mo ako... nalulunod na naman ako... napakaraming alaala...
11:00 ng.
inihatid mo na ako sa bahay. matapos magbihis, nahiga ako... ipinikit ang aking mata. bukas, pagkagising ko, magkikita tayo sa simbahan.
6 nu.
ha? late na akong nagising. walang gumising sa akin. napabalikwas ako sa kama.. umiiyak na ako. mahihintay mo pa kaya ako? nagmamadali ako. hindi ko alam kung ano ang gagawin. naligo ako. hindi ko na isinuot ang espesyal na damit. isinuot ko ang white dress na mamaya ko pa sana isusuot pagkatapos ng ating pagkikita sa simbahan. umiiyak ako. lakad-takbo ang ginawa ko. wala akong masakyan. kapag minamalas nga naman...
7:00 nu.
nakarating rin ako sa simbahan. nagsimula kayo nang wala ako? bakit? nakita kita. nakatalikod. sino yang hawak mo? huli na ba talaga ako? nalulunod ako. nalulunod ako sa tibok ng puso ko. lumingon ka... malabo na. unti-unting nawala ang guhit ng iyong mukha sa aking paningin. wala ka na.
7:30 nu.
nagising ako sa tunog ng cellphone ko...
"gud am! kamusta na ba ang pinakamagandang babae na nakilala ko. breakfast ka na... wag ka papagutom. alagaan mo ang sarili mo. i love you mahal!"
tiningnan ko ang sender. hindi ko kilala ang numero. nangiti ako. hay nagkamali na naman siguro ng pagpapadala...babalik na lang ako sa tulog at itutuloy ko ang panaginip ko kasama ka. baka ngayon, makahabol na ako.

*ito ay napagbalingan ko at naging resulta nang aking katamaran sa paggawa ng papers... hay haggard ng buhay... ayaw kong mag-acads ngayon...

(031206)

a warm cup

i nod. lookin at the way you hesistate to take my hand, resting so near yours, i know you're already gone. i will make it easy for both of us, i tell myself.i will forget the feel of your hands on my skin. i will smile and tell you that i am happy for you because that's what you want to hear, and that is what i want to believe. i will not hope you will be back soon nor say that i wish i were going with you. Instead, i will keep in mind that there is nothing between us anymore. it is just that the coffee is too warm, and i am so cold.
(020406)

love

love isn't when you cannot sleep,

it's when you want to keep your eyes open.

love isn't when you keep holdin' on,

it's when you learn to let go.

love isn't when you kill yourself with jealousy,

it's when you understand.

love isn't when you fall for someone,

it's when you catch that person when he falls.

love isn't when you see him everywhere,

it's when you close your eyes and he's still there.

love isn't when you tell him all your feelings,

it's when you give up everything for his sake.

and love isn't when you think you were blind,

it's when you know that you were wrong but you didn't mind.

(011606)

life is tricky

life is tricky isn't it?

you want things you can't get.

you get things you don't want.

you get things you used to want but not anymore.

you want things you used to get but not anymore.

when you finally got what you want, you want something else.

when you finally want what you get, you get something else.

funny how we make life seem absurd when it is not.

the joke is not on life...

but on us. (010906)

points to ponder

the things that you see may not be the things you need.

the one that you want may not be the one for you.

:)

***

it ain't love that hurts. it's the absence of it that does.

who says that time heals?

you don't get over the pain...

you just learn to get along and live with it through time.

(010906)

15 seconds

He glanced at me. I glanced at him. After 15 seconds he changed his mind and his glance was elsewhere.

I stared at him. He stared at her. She stared at somebody. After 15 seconds, he was hers.

Confused, he gazed at me with his innocent eyes. Questioning, I gazed at him with my forlorn eyes. After 15 seconds, i have realized...

He was never mine.

Now, I am looking at them. I know, after 15 seconds, he will realize...

She was never his... alone. (010506)

siopao

may isang siopao sa lamesa.

isang malaking siopao na walang pulang tuldok sa gitna.

gutom ako.

may iba ring gutom.

ilan ba?

hindi ko alam.

nakatingin kaming lahat sa nag-iisang siopao sa lamesa.

nagkasundo kami ng isang kaibigan...

hati kami.

may gusto pang makihati.

ayaw namin ng kaibigan ko.

ngunit nabigla kami nang magsalita ang siopao sa lamesa...

"siya ang gusto ko." (010306)

magnanakaw

september 10, 2005, 2:20 pm--sm north edsa.

hinihintay ko ang service ng republic na maghahatid sa akin pauwi. nakatayo ako sa tabi ng isang matandang ale na nagtitinda ng iba't-ibang kendi at dyaryo. nagdilim ang langit. hay naku, kaunti na lang nga ang benta, uulan pa. nakakaawa ang tindera. matanda na kasi siya pero nandoon siya sa eskinita, nakaupo at binabantayan ang kanyang paninda--umaraw man o umulan.

may tumabi sa'king pulis. hmmm.. mukhang kagalang-galang. ipinangangalandakan ng kanyang uniporme na siya ay may ranggo--mataas na opisyal. ngingiti-ngiti siya. nakakabuwisit. para siyang abnoy. hindi ko na lamang pinansin. kumuha siya ng dyaryo mula sa mga nakalatag na paninda ng matanda. ano nga ba ang balita? mag-uupdate si mamang pulis. hinagingan ng tingin-basa ang dyaryo. gusto nya ata ang dyaryo--tiniklop ng apat na beses at inilagay sa bulsa. hmmmmm... nagbukas ng bag ngunit walang kinuhang pitaka. teka lang! napatingin si sir sa akin. ngakangiti habang ako nama'y nakasimangot dahil sa tumatakbo sa isip ko. lumapit si sir sa dalawang sekyu na nasa may likod namin.. hmmm magpapabarya ata--pero nakipagtsismisan lang pala.

pumito si mamang pulis. huminto ang isang fx. binuksan ng pulis ang pinto, sumakay, isinara ang pinto. umandar ang fx. nakaalis na ang pulis. nawala ang dapat sana's P7.00 na kita ng matanda.

hindi siya nagbayad... ni hindi nagpasalamat sa tindera. ang kapal ng mukha niya.

mahirap ang buhay ngayon. mahirap na nga, pinapahirap pang lalo ng mga magnanakaw na nakasuot ng magara.

para sa magnanakaw na pulis na iyon, swerte mo't di ko nakuha pangalan mo. k*pal ka. unti-unti mong nilalason ang mga mahal mo sa buhay sa pagpapakain sa kanila ng pagkaing nagmula sa bulsa ng iba... at kapag kumain ka, mabusog ka sana. (091405)

it's up to you

one song can spark a moment,

one flower can wake a dream.

one tree can start a forest,

one bird can herald a spring.

one smile begins a friendship,

one handclasp lifts a soul.

one star can guide a ship at sea,

one word can frame the goal.

one vote can change a nation,

one sunbeam lights a room.

one candle wipes out darkness,

one laugh can conquer gloom.

one step must start each journey,

one word must start a prayer.

one hope will rise our spirits,

one touch can show you care.

one vote can speak with wisdom,

one heart can know what's true.

one life can make the difference,

you see, it's up to you.

malungkot. kalungkutan. yan ang madalas bumalot sa iyo sa tuwing ikaw ay nag-iisa. malalim na kalungkutan na di mo maarok kung hanggang saan. kalungkutan na sumusugat sayo at nag-iiwan ng marka--isang peklat na paulit-ulit na magpapaalala sayo kung gaano kapait ang nakaraan.

hindi ko ginustong mawala ang taong iyon sa buhay ko. ayaw kong mawala siya sa akin lalo na nang ganun-ganon lang at biglaan. pero ganoon talaga. nagsawa siya. itinulak ako palayo. binuksan ang pinto at pabagsak na sumara ang pinto. namanhid ang buo kong katawan. gusto kong tumawa. gusto kong tumawa upang itago ang sakit. sobra! unti-unting sumungaw ang luha sa aking mga mata. hindi ako iiyak. hindi... kaya tumingala ako sa kawalan. wala akong maisip. paulit-ulit kong nakita kung paano siyang tumalikod at lumabas sa pinto. nakabibingi ang lagabog ng pinto. galit ako. bakit ganoon?

kalungkutan. naririto ka na naman. pagmamasdan mo na naman ba ang pagpatak at pag-agos ng luha sa aking pisngi? tutuyuin mo na ba ang luhang karamay ko?

kalungkutan. binabalot mo na naman ako ngayon sa aking pag-iisa.di ko na maarok ang iyong kalaliman. di ko maaninag ang yong kadahilanan. unti-unti mo na naman akong sinusugatan... upang mag-iwan ng kaypangit na pilat. Ilan na nga ba niyon ang itinatago ko? kayrami na! at sila ang paulit-ulit na magpapaalala sakin na sadyang kaypait ng nakaraan. (060605)

kalungkutan...

malungkot. kalungkutan. yan ang madalas bumalot sa iyo sa tuwing ikaw ay nag-iisa. malalim na kalungkutan na di mo maarok kung hanggang saan. kalungkutan na sumusugat sayo at nag-iiwan ng marka--isang peklat na paulit-ulit na magpapaalala sayo kung gaano kapait ang nakaraan.

hindi ko ginustong mawala ang taong iyon sa buhay ko. ayaw kong mawala siya sa akin lalo na nang ganun-ganon lang at biglaan. pero ganoon talaga. nagsawa siya. itinulak ako palayo. binuksan ang pinto at pabagsak na sumara ang pinto. namanhid ang buo kong katawan. gusto kong tumawa. gusto kong tumawa upang itago ang sakit. sobra! unti-unting sumungaw ang luha sa aking mga mata. hindi ako iiyak. hindi... kaya tumingala ako sa kawalan. wala akong maisip. paulit-ulit kong nakita kung paano siyang tumalikod at lumabas sa pinto. nakabibingi ang lagabog ng pinto. galit ako. bakit ganoon?

kalungkutan. naririto ka na naman. pagmamasdan mo na naman ba ang pagpatak at pag-agos ng luha sa aking pisngi? tutuyuin mo na ba ang luhang karamay ko?

kalungkutan. binabalot mo na naman ako ngayon sa aking pag-iisa.di ko na maarok ang iyong kalaliman. di ko maaninag ang yong kadahilanan. unti-unti mo na naman akong sinusugatan... upang mag-iwan ng kaypangit na pilat. Ilan na nga ba niyon ang itinatago ko? kayrami na! at sila ang paulit-ulit na magpapaalala sakin na sadyang kaypait ng nakaraan. (060605)

patay-sindi

patay-sindi.

bukas-sara.

ang ilaw na paulit-ulit na sinisindihan at pinapatay ay madaling masira.

ang pintuang paulit-ulit na bibuksan at isinasara'y maingay-nakakarindi.

may mga bagay na may limitasyon,

may mga bagay na di mo maikakahon.

darating at darating din ang panahong magsasawa ka sa mga bagay na nasa paligid mo.

kung sa rubberband pa, na-abot mo na ang iyong elastic limit at mapipigtal ka na.

kung ang ilaw ay patay-sindi nang patay-sindi,

at ang pintuan ay bukas-sara nang bukas-sara,

magtitiis ka pa ba kahit ubos na ang iyong pasensiya?