light in darkness

this blog is not for the faint-hearted. this blog contains fearless doodles from a mad girl. this blog is the emancipation of my emotions. this is my blog.

Sunday, July 09, 2006

kung ibig mo akong makilala

Kung ibig mo akong makilala,
lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,
ang titig kong dagat---
yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit
ng kahapon ko't bukas.

Kung ibig mo akong makilala,
sunduin mo ako sa himlayang dilim
at sa madlang pagsukol ng inunang hilahil,
ibangon ako at saka palayain.

Isang pag-ibig na lipos ng lingap,
tahanang malaya sa pangamba at sumbat
may suhay ng tuwa't ang kaluwalhatia'y
walang takda---
ialay mong lahat ito sa akin
kung mahal mo ako't ibig kilalanin.

Kung ibig mo akong kilalanin,
sisirin mo ako hanggang buto,
liparin mo ako hanggang utak,
umilanglang ka hanggang kaluluwa---
hubad ako roon; mula ulo hanggang paa.


--r.e.mabanglo

pagkakamali

minsan hindi sapat ang karanasan ng iba para magsilbing aral sa buhay natin.
minsan, kailangang tayo mismo ang makaranas magkamali para mas matutuan ang leksyon ng buhay.

kung nagkataong kabaliktaran, isa na lang sana ang nakaranas ng lahat at siya na ang nagturo sa ating lahat kung paano mabuhay ng walang pagkakamali.

...perpekto na sana ang lahat at wala nang naulit pang kamalian.

Monday, July 03, 2006

morbidity


i am a sado-masochist.
-----i long to inflict pain unto you and me.
-----
your pain will be my pain and mine will be yours.
-----in pain we shall be together.

i am a bloodthirst.
-----i hunger for blood.
-----in a chalice will be the concoction of our blood--your blood and my blood.
-----i shall devour it to the very last drop.

i am a ferocious beast.
-----i starve for your flesh.
-----inside my empty breadbasket we will be one--your flesh and mine.
-----i shall relish on your fare while blood stains the clean white sheets that cover my predation.

random thoughts...

mahirap magpakatotoo sa mundong magaling maghusga. gawin mo gusto mo, sasabihin nila pakawala ka. gawin mo gusto nila, sasabihin nila sunudsunuran ka at masyadong palaasa. kapag pumalpak ka, ikaw ang tanga. kapag nagtagumpay ka, dapat ka daw magpasalamat sa suporta nila.

mahirap intindihin ang mundo kapag di mo naiintindihan ang sarili mo. bakit ka nga ba ganyan? bakit nga ba ako ganito? nakakalito.

di ko lam kung simple ba ang buhay at ako lang ang nagpapagulo o kung kumplikado na "by nature" ang buhay at pinapagulo ko pa lalo. hindi ko alam kung ako ang nambibiktima sa sarili ko o ako ba ang biktima ng ibang taong parte ng mapanghusga at magulong mundo.

marami pa akong anggulo na hindi nakikita. marami ka pa ring aspetong hindi nakikita sa pagkatao ko. kilala mo ba ako? kung oo ag sagot mo, ang galing mo. ipakilala mo ako sa sarili ko.

gahibla ng buhok mo sa anit--yan lang ang nakikita mo sakin. marami pa. marami ka pang hindi alam. isa akong libro na maraming punit na pahina.

hindi ganoon ka-organisa ang thoughts ko sa panahong ito kaya kung ano ang mas masidhing damdamin, yun ang isinasatitik ng mga daliri kong masakit dahil masyadong upod ang pagkakagupit ng kuko ko gamit ang nailcutter ni joycelalu.

napakanegatibo na ng tingin ko sa mundo. wala akong pakialam kung kokontrahin mo ako. nature yan ng mga tao sa mundong ito kaya ganito ang sphere na ginagalawan ko. nakakapagod. nakakarindi. nakakasawa. kung pwede lang ngang lumipat sa ibang mundo [kung meron nga], nag-empake na ako ng gamit kanina pa...

ginusto kong baguhin ang ginagalawan ko. nagsimula ako sa sarili ko pero di ko alam kung san magsisimula at ano ang unang gagawin. problematik. napakaraming Hudas dito na talagang dadaan sa buhay mo para guluhin kapag inaayos mo na.

nakakainis.

si asul, dumating sa buhay ko at pinasaya ako. tinuruan ako ni asul na may iba pang kulay maliban sa itim. pero sa huli, puro pula ang nakikita ko. dugo. magnanakaw pala si asul--ninakaw niya ang sentro ng pagkakakilanlan namin.
si puti, dumating din sa buhay ko nang di sadya. hindi siya sakin una pa lang. at hanggang ngayon, hindi pa rin siya sakin.
si dilaw - dumating siya nung nawala si asul. pagnanakaw rin ang motibo pero huli na siya... naunahan na siya ni asul. kawawa naman.
si berde, pinakapaborito ko siya sa lahat ng sumunod kay asul. palagi ko na siyang nakikita. sinubukan kong magnakaw pero di ko pala kaya panindigan. binuksan ko ang kanyang lalagyan at hinayaan ko lang na nakatiwangwang.
si maroon ay isa sa mga pangkaraniwang taong nakilala ko. wala akong gaanong masabi sa kanya maliban sa napakahina niya.
si kahel naman ay isang bubot na hindi na namukadkad. maganda naman yung ganoon na lang.

makulay hindi ba? pero kapag ang mga kulay na yan, inihalo mo sa itim, ano ba ang kalalabasan? hindi ba't isang maruming kulay? kulay lusak. putik. dumi. itim. pusali.

mahirap magpakatotoo sa mundong mapanghusga. kahit gaano kakulay ang isinama mo sa itim, ang kalalabasan ay madilim pa rin.

pananaw

naniniwala ako sa Pilipinong may pagmamahal sa sariling bayan, sa kapwa Pilipino, at sa kanyang sarili.
siya ay Pilipinong may paggalang sa sariling wika at kultura, maging sa kulturang etniko man o banyaga.
siya ay Pilipinong mahusay at may kakayahang magtagumpay sa gitna ng balakid.
naniniwala ako na ang Pinoy ay may talino, progresibo, produktibo, at may disiplina.
siya ay may kakayahang magbago--mula sa Juan Tamad patungo sa matagumpay na Juan dela Cruz.

Kaya ng Pinoy--kayang-kaya!

Sunday, July 02, 2006

superman ng pinoy


manny pacquiao...
---nanalo na naman si manny.
---dagdag na naman tiyak ang mga endorsements ni pacman.
---sikat na naman si manny, ang pilipinas, ang pinoy, si gma.
-----bida na naman si pacquiao sa usapan, tsismisan, dyaryo, radyo, tv, etc.
-----sikat na naman ang pinas sa ibang bansa kahit na lubog pa rin tayo sa utang.
-----sikat na naman ang lahi ni juan dela cruz.
-----at syempre, magpapahuli ba naman si gloring?
-------malamang bukas nasa front page na siya ng mga dyaryo
---------pinaparangalan si pacman sa malacaƱang.

crush ko si manny pacquaio.
---kamukha kasi niya yung crush ko nung nasa high school ako.
---lahat gusto si manny.
-----lolo ko, di matigil sa isang tabi kapag may laban si pacman.
-----si papa, kahit pagod, maagang gumising para abangan ang laban ni pacman.
-----yung kapatid ko, maaga rin gumising kaninang umaga.
---maraming may gusto kay manny...
-----si jinky...
-----at isang babaeng napabalitang naanakan daw ni manny
-----at ngayon, ako.

si manny pacquiao nga ang superman ng pinoy.
---ngayon, nagbalik siya dahil sa pagkakapanalo niya kay chololo larios.
---mas gwapo pa siya kay aga mulach dahil mas marami na ata siyang endorsements.
---hinahabol na naman siya ng mga reporters para mainterview at makunan ng litrato.
---siya ang saving mask ng pinas na magtatago sa mga pilat na mula sa sugat ng
-----pagdarahop, kahirapan, terorismo, at pulitika.

salamat pacman...
buti na lang bumalik ka.

look!
up in the ring!
it's pacman!
--saving the day...