Sunday, May 07, 2006
putting out the flame
i held the flame tenaciously in my hands. it burned with much passion. i held it close to me and felt its warmth engulf my whole being--cover all the bruises and enshroud the pain.i wanted it to flicker as the surge of emotions continually cascaded in my system.
i never desired to cease the fire yet it came to the point when i was scorched painfully--more painful than the wounds caused by the billow of sadness that thrives in my soul. it should be over... so i squashed the holocaust in my grasp. when i opened my palm, the fancy flame was nothing but dire ashes.
Thursday, May 04, 2006
juicy
ni Glaizza Ellyn Mae D. Castillo
Tinawag mo ang aking pansin nang tawagin mo ang isang batang takatak.
"Boy, isa nga!"
Sabay abot ng pisong sobra sa sukli ng ale sa tindahan.
Tinitigan kita—kampanteng nakaupo sa bangko.
Pinunit mo ang papel na balot,
At hinubad ang palara ng papawi sa pagkapanis ng iyong laway.
Isinubo mo ang kanina lamang ay nakabalot.
Nginuya.
Sinipsip.
Nguya.
Sipsip.
Nguya.
Sipsip—sinasaid ang natitirang tamis.
Nang mawalan ng lasa'y inilabas mong muli ang palarang balot.
Iniluwa mo ang nginunguya at walang ingat na nilamukos kasama ng palara.
Pilit mo itong isiniksik sa siwang ng bangkong inuupuan.
Dumating ang syota mo.
Walang alam na naupo sa pinagsiksikan mo ng pinagsawaan.
Dumikit iyon sa kanyang puting palda.
Natapos ang ilang minutong pag-uusap, kinuha mo ang kanyang gamit at siya'y tumayo.
Bigla kang natawa.
Nakita mo ang iyong basura sa puwitan ng kanyang palda.
Inalis mo iyon habang pilit na pinipigil ang pagbungisngis.
Nagalit siya.
Nagsosori ka habang muling idinidikit ang sanhi ng kanyang pagkainis sa bangko.
Di mo napansing nalaglag ito sa semento.
Umalis siya at iniwan ka—hindi pinakinggan ang iyong sinasabi.
Sa paghakbang mo upang habulin siya'y naapakan mo ang madikit na pilit mong ibinabasura kanina pa.
Batid kong iritado ka na—nagsalubong na ang makapal mong mga kilay.
Ikinaskas mo sa semento ang sapatos mo.
Di pa rin maalis ang dumikit dito.
Inalis mo na lamang iyon gamit ang iyong kamay.
Alam kong nandidiri ka—bakas sa iyong mukha.
Nanlupaypay ka nang mabatid mong nakalayo na siya na nais mong habulin.
Natuon ang iyong pansin sa iyong pinandidirihan.
Binilog mo itong parang isang maliit na piraso ng luwad.
Nakita ko ang kalungkutan at hindi na ang pandidiri.
Naglakad ka patungong basurahan.
Akala ko'y natuto ka na.
Ngunit mali ako.
Bago ka pa man lamang makarating sa basurahan,
Idinikit mo ang nalikha sa posteng katabi ng dapat pagtapunan.
Nakatungo mong nilisan ang lugar na kanina lang ay kampante mong tinatambayan.
Nilapitan ko ang poste.
Kinuha ko ang iyong iniwan at itinapon sa basurahan.
Huwag kang mag-alala.
May pupulot din sa iyo,
At ilalagay ka sa dapat mong kalagyan.
Glaizza Ellyn Mae D. Castillo
Si Gly ay isang junior mula sa Kolehiyo ng Edukasyon. Siya ay kumuha ng Malikhaing Pagsusulat sa ilalim ni Propesor Alwin Aguirre upang mahasa ng kakayahan sa pagsulat
sa Filipino. Gusto niya ang kulay berde, mga pagong at yellowbells. Mahilig siya sa basketball. Pangarap ni Gly ang maging isang guro balang-araw at makagawa ng mga librong pambata.